Matapos malimitahan sa apat na puntos sa unang tatlong quarter humataw ng 10-puntos si Baguion sa final canto upang ihatid ang Jewels sa ikaapat na sunod na panalo upang solohin ang pangkalahatang pamu-muno.
Nalasap ng Elasto Painters ang kauna-unahang kabiguan sanhi ng kanilang pagbagsak sa ikalawang posisyon bunga ng 3-1 kartada.
Idinistansiya ni Baguion ang Montaña sa nang umiskor ito ng walong sunod na puntos, isang three-point play mula sa foul ni Eugene Tan, isang tres at lay-up para sa 58-53 kalama-ngan papasok sa huling 1:22 oras ng labanan.
Dumikit pa ang Rain or Shine sa 55-58 nang mai-konekta ni Jojo Tangkay ang dalawang freethrows ngunit muling ibinalik ni Baguion ang limang puntos na kalamangan nang umiskor uli ito ng two-for-two sa charity lane para sa 60-55 iskor, 39 segundo pa ang nalala-bing oras sa laro.
Umiskor si Jun Cabatu ng jumper upang maidikit ang iskor sa 58-60, 30 segundo pa at nagka-roon ng pagkakataon ang Elasto Painters na maka-hirit sa labanan nang magmintis si Kenneth Bono sa kanyang jumper.
Nakuha ni Samigue Eman ang rebound na kanyang ibinigay kay Tangkay ngunit nagmintis ang dating pro-cager sa kanyang minadaling tres na siyang dahilan ng pagkatalo ng Elasto Painters. (Carmela Ochoa)