Maliit pero nakakapuwing
April 5, 2006 | 12:00am
Isang 5-foot-6 na Froilan Baguion ang dumiskaril sa nagdede-pensang kampeon Rain or Shine nang umiskor ito ng krusyal na baskets upang ihatid ang Montaña Pawnshop sa 60-58 panalo sa labanan ng mga league leaders ng 2006 PBL Unity Cup na nagpatuloy sa FEU Gym sa Morayta kahapon.
Matapos malimitahan sa apat na puntos sa unang tatlong quarter humataw ng 10-puntos si Baguion sa final canto upang ihatid ang Jewels sa ikaapat na sunod na panalo upang solohin ang pangkalahatang pamu-muno.
Nalasap ng Elasto Painters ang kauna-unahang kabiguan sanhi ng kanilang pagbagsak sa ikalawang posisyon bunga ng 3-1 kartada.
Idinistansiya ni Baguion ang Montaña sa nang umiskor ito ng walong sunod na puntos, isang three-point play mula sa foul ni Eugene Tan, isang tres at lay-up para sa 58-53 kalama-ngan papasok sa huling 1:22 oras ng labanan.
Dumikit pa ang Rain or Shine sa 55-58 nang mai-konekta ni Jojo Tangkay ang dalawang freethrows ngunit muling ibinalik ni Baguion ang limang puntos na kalamangan nang umiskor uli ito ng two-for-two sa charity lane para sa 60-55 iskor, 39 segundo pa ang nalala-bing oras sa laro.
Umiskor si Jun Cabatu ng jumper upang maidikit ang iskor sa 58-60, 30 segundo pa at nagka-roon ng pagkakataon ang Elasto Painters na maka-hirit sa labanan nang magmintis si Kenneth Bono sa kanyang jumper.
Nakuha ni Samigue Eman ang rebound na kanyang ibinigay kay Tangkay ngunit nagmintis ang dating pro-cager sa kanyang minadaling tres na siyang dahilan ng pagkatalo ng Elasto Painters. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended