PAGTAWID SA KANTAHAN

Karaniwang tanawin sa di-pangkaraniwang lugar: isang labandera, isang batang naglalaro ng piko. Sa paligid, dalawang binatang naglalaro ng chess habang may mga mirong nakikialam, at isa pang naiinis dahil walang masagap na palatuntunan ang mumurahin niyang radyo.

Maya-maya, may mga binatilyong darating na nakasuot na pang-hip-hop, may bitbit na basketball court, mga turntable at speaker. Magkakaroon ng tugtugan, at laro.

 Ito ang tagpo ng bagong video ng kantang "Neva Lose" ng Dice and K9, na siyang awitin ng online computer game na FreeStyle. Matutunghayan ang lahat ng nabanggit sa premiere ng music video sa Huwebes. Larong kalye ang tema ng FreeStyle, at siya rin ang tagpo ngayon.

 Noong Enero, tahimik na inilunsad ng Level Up! Philippines ang FreeStyle. Hango ito sa orihinal na Koreanong laro, kung saan maaaring bihisan at bilhan ng iba-ibang talento ang pantatluhan mong mga manlalaro. Sa loob ng wala pang dalawang buwan, mahigit isang milyon na ang naglalaro ng FreeStyle, at ang awitin nito, bagamat hindi maintindihan ng karamihan, ay sumikat din.

 "All the players love the song," paliwanag ni Mike Constantino, Level Up! business unit director para sa FreeStyle. "So we got this year’s hip-hop artist of the year, Dice and K9, to give it a Filipino flavor. We’re also going to launch it as a single of Dice and K9."

 Kasama rin sa video ang And1 Flip Ballaz at tatlong beteranong UST Growling Tigers.

 "We have every intention of making it as Filipino hip-hop as possible," dagdag ni Constantino. "Hot girls and ballers and stuff will be there, but as you will see, there are a lot of Filipino nuances."

 "We did a different song, but they asked us to maintain the theme song, since a lot of the young cats out there already know it," sabi ni Dice. "It wasn’t that hard. We just had to come up with lyrics about playin’ basketball. It was fast and easy."

  "We went to Level Up! and presented our own DVD," dagdag ni Niño Ventura, pinuno ng Flip Ballaz, "Then they called us for the shoot of their new video. We’re just going to do some exhibition dribbling, do our thing, you know."

 Umaasa ang Level Up! na ang kombinasyon ng basketbol, hip-hop at larong kalye ay makadaragdag pa sa kasikatan ng kanilang laro.

 "Music marketing has always worked for our games," ani Constantino. "We launched ‘Rok On’ for Ragnarok, and we’re using the same model for FreeStyle. It makes the game more viral. People who aren’t necessarily gamers or fans of hip-hop or basketball will see the video, and be curious about the game."
* * *
Ang ikalawang Iligan City Sports Commission basketball clinic para sa mga batang 9 hanggang 17 taong gulang ay gagawin sa St. Michael’s College sa Iligan City mula April 24 hanggang 27. Ang mga nais sumali ay maaaring pumili ng pang-umaga o panghapon na klase. Ay mga nais sumali ay maaaring tumawag kay Ricardo Abellanosa sa (063) 2237763 o 0917-7160060.

Show comments