^

PSN Palaro

FG panauhin sa pagbubukas ng MY Games ngayon

-
Walang iba kundi ang First Gentleman na si Mike Arroyo ang panauhing pan-dangal sa pagbubukas ng ikalimang edisyon ng Manila Youth Games sa Track Oval ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex na siyang pagdarausan ng limang araw na palaro para sa mga kabataang 17-gulang pababa.

Isang makulay na open-ing ceremonies ang inihanda sa alas-5:00 ng hapon na katatampukan ng musika at sayawan para sa masiglang pagbubukas ng taunang event na ito na proyekyo ni Manila Sports Council (MASCO) chairman Arnold "Ali" Atienza.

Magkakaroon din ng cheering competition, acro-batic show, taekwondo demonstration, at breath-taking fireworks display sa programang dadaluhan din nina Pampanga Rep. Mikey Arroyo, Games and Amuse-ment Board chief Eric Buhain at Philippine Sports Commission chairman William Ramirez.

May 10,000 ka-bataan mula sa 897 ba-rangays, 130 public at pri-vate schools bukod pa sa mga out-of-school athletes ng Manila ang kalahok sa event na ito na hatid ng Converse sa tulong ng PSC, PAGCOR, San Miguel Corp., Super Ferry, Montaña Pawnshop, Globe Tele-coms, Milo, Air21, IntrASports, at Concept MOVERS.

Tampok sa opening program ay ang pagpa-parangal sa mga Manila sports greats na pangu-ngunahan ng legendary coach na si Virgilio "Baby" Dalupan, ang winningest mentor sa local basket-ball history, at Eduar-do Pacheco, ang isa sa dalawang Filipino athletes na hinirang na "Mr. Football" at "Mr. Basketball" ng Philippine Sports-writers Association na tatanggap ng tropeo mula kay Manila Mayor Lito Atienza. (CVOchoa)

vuukle comment

ERIC BUHAIN

FIRST GENTLEMAN

GAMES AND AMUSE

GLOBE TELE

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

MIKE ARROYO

MIKEY ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with