"Ang tingin ko kulang yung playing time ng mga players eh," ang obser-basyon ni Austria mata-pos kubrahin ng Elasto Painters ang ikatlong sunod na panalo.
Pinasadsad ng Rain or Shine ang Hapee-PCU, 66-48 sa pagpapa-tuloy ng 2006 PBL Unity Cup na nagpatuloy kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
"Deserving silang lahat na makakuha ng playing time. Mabuti na lang at naiintindihan nila na dapat mag-share sila ng playing time sa iba," sabi ng mentor ng Rain or Shine na ngayon ay nag-sosolo na sa liderato matapos makakalas sa pakikisosyo sa walang larong Montaña na nai-wan sa ikalawang pu-westo taglay ang 2-0 record.
Pinangunahan ni Jun Cabatu ang Elasto Paint-ers sa pagkamada ng 18-puntos na sinundan nina Jojo Tangkay at Gilbert Malabanan ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkaka-sunod.
Naitala ng Rain or Shine ang pinakama-laking kalamangan na 19-puntos, 64-45 mula sa tres ni Marvin Ortiguerra, 3-point play ni Jojo Tang-kay kay Gabby Espinas at split ni Samigue Eman patungo sa huling 1:55 minutong labanan.
Nasayang ang 17-puntos ni Jason Castro matapos malasap ng Hapee PCU ang kanilang ikalawang talo matapos ang tatlong laro.
Sa ikalawang laro, sinagasaan ng Toyota Otis ang Harbour Centre, 76-74.