Ito marahil ang nasa isipan ng point guard na si Jimwell Torion na kinuha ng Sta. Lucia Realty matapos na ilaglag ng Red Bull Barako.
Hindi na ni-renew ng Red Bull ang kontrata ni Torion matapos na mapaso ito sa katapusan ng PBA Fiesta Cup na napanalunan ng Barakos. Kitang-kita naman na hindi na ganoong kalaki ang playing time ni Torion sa nagdaang conference at natabunan na siya nina Michael Robinson at Celino Cruz na malaki ang naiambag sa tagumpay ng Red Bull.
Hindi nga bat sa isang laro sa Fiesta Confrence ay sunud-sunod na errors kaagad ang naitala ni Torion kung kayat inilabas siya at pinagsabihan ni coach Joseller "Yeng" Guiao sa halftime break. At dahil tila binalewala ni Torion si Guiao ay pinauwi nito bago nagsimula ang second half.
Sa tutoo lang, kumalat din ang balita na hindi na sana paglalaruin ng Red Bull si Torion sa Fiesta Conference pero binigyan pa rin ito ng tsansa ng management.
Kaya lang, tila mas maganda na nga ang ginagawa nina Robinson at Cruz kung kayat naging "expendable" na si Torion. Nasa reserved list pa nga ng Red Bull si Warren Ybanez, di ba?
Matapos malaglag sa line-up ng Red Bull, umuwi si Torion sa Cebu at naglaro sa isang torneo doon kung saan matindi ang mga numerong naitala niya. Marahil ay nabalitaan ito ng Sta. Lucia Realty kung kayat minabuti nitong kunin si Torion at bigyan ng ikalawang pagkakataon.
Ang tanong nga lang ng karamihan ay kung magtatayo daw ba ng security agency ang Sta. Lucia at magpapalit ng pangalan. Sa halip na Realtors ay Jaguars na lang daw sila.
Kasi nga, sangkaterba na ang point guards ng Sta. Lucia. Nasa active list sina Paolo Mendoza, Alex Cabagnot at Gilbert Demape. Nasa reserved list naman sina Mac Cuan at Joseph Gumatay. Kumbagay pang-anim na point guard na ng Sta. Lucia si Torion.
Dahil ditoy hindi rin ganoong kahabang playing time ang maibibigay ni coach Alfrancis Chua kay Torion. Pero okay na rin iyon sa kanya. At least ay nabigyan siya ng second chance at may ibang team na nagtiwala sa kanya sa kabila ng pangyayaring maraming kontrobersya ang kanyang sinuong noong siyay naglalaro pa sa Red Bull.
Hindi nga bat nasangkot siya sa drug case at nasuspindi. Nakabalik lang siya nang magmakaawa siya kay commissioner Noli Eala. Pero matapos iyon ay sinapak niya si Jimmy Alapag ng Talk N Text at naging sanhi ito ng isa pang suspensiyon. Nang magbalik siya ay ang import naman ng Ginebra ang kanyang kinotongan. Kumbagay parang naging bad boy na si Torion at kinakantiyawan tuloy siya ng mga fans. Dahil sa pangangantiyaw na ito at sa pressure na makapagpakitanggilas ay panay errors tuloy ang kanyang nagagawa.
Puwes, isang "fresh start" ang ipinagkaloob sa kanya ng Realtors. Siguroy kailangang kalimutan na niya ang nakaraan at magfocus sa kanyang bagong team.
Baka last card na niya ito, e.