Sinikap ni Dy na lumaban sa Moscow-based na si Gaverova, subalit hindi siya umubra.
"I didnt get to play my usual game, I had a lot of errors," ani ng 17-anyos na si Dy, kasama ang Indian na si Sandhya Nagaraj ay nakatakdang lumahok sa doubles semifinals kinahapunan na laro.
Susunod na makakasagupa ng worlds No. 57 na si Gaverova, singles champion sa Thailand Open at Movenpick Juniors sa Egypt noong nakaraang taon ang second seed at worlds No. 34 na si Krystyna Antoniychuk ng Ukraine.
Naligtasan naman ni Antoniychuk, champion sa Bangkok noong nakaraang taon at finalist sa Malaysia may dalawang linggo na ang nakakaraan ang No. 11 seed American na si Veronica Li, 3-6, 6-4, 6-3.
Sa boys division, pinatalsik ng qualifier na si Bai Yan ng China ang top seed na si Sanam Singh ng India, 7-5, 6-1.
Gumamit rin ang 17-gulang na si Bai, mula sa Nanjing ng kanyang powerful forehand para gapiin ang worlds No. 5 Indian sa isang oras at 27 minutong labanan.
"I think I played good today. I tried to be consistent with my shots," wika ni Bai, na nakarating sa quarterfinals ng Guanzhou Mens Futures may tatlong linggo na ang nakakaraan.