Mas malakas ang tama ng Gin
April 1, 2006 | 12:00am
Nailusot ng defending champion Barangay Ginebra ang 84-81 panalo laban sa league leader na Coca-Cola para makabalik sa winning track sa pag-usad ng eliminations ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.
Malaki ang naging kontribusyon nina Mark Caguioa at ng nagbabalik na sa pormang si Eric Menk sa panalong ito na siyang naghatid ng tatlong freethrows na naging tuntungan ng Ginebra sa ikatlong panalo para makabangon sa tatlong sunod na kabiguan.
Binasag ni Menk ang 81-pagtatabla ng iskor nang siguruhin nito ang ikalawang freethow mula sa foul ni Rafi Reavis sa huling 20 segundo ng laro.
Nabigong makaiskor ang Coke nang magmadaling tumira ng tres si William Antonio at nakahugot naman ng foul si Mark caguioa mula kay Dale Singson at naikonekta nito ang dalawang foul shots para sa final score, may 11-segundo pang natira para sa Coca-Cola.
Ngunit inabot ng kamalasan ang Tigers nang magmintis sina Rob Wainwright, Johnny Abarrientos at Antonio sa kanilang sunud-sunod na panablang tres sanhi ng ikalawang sunod na talo ng Coca-Cola matapos ang 4-0 simula.
Sa ikalawang provincial game ng PBA, dadako ang aksiyon sa Cabagan, Isabela kung saan magsasagupa ang Air21 at ang Sta.Lucia Realty sa Josefina T. Albano Sports and Cultural Center sa alas-4:30 ng hapon. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended