^

PSN Palaro

Eman nagpasikat pero...

- Carmela Ochoa -
Nagpakitang gilas si Samaigue Eman, ang player na nadiskubre sa Davao, ngunit ang gabi ay para kay Jay-Ar Reyes na siyang gumanap ng mala-king papel sa 73-67 panalo ng defending champion Rain or Shine sa pagpapatuloy ng 2006 PBL Unity Cup na nag-patuloy sa San Andres Gym kagabi.

Pinangunahan ni Reyes ang Elasto Paint-ers sa pagkamada ng 16-puntos bukod pa sa 10 rebounds at tig-isang steal at block para masundan 70-64 panalo kontra sa Harbour Centre.

Ang sinasabing magi-ging dominanteng player sa liga na si Eman ay tumapos lamang ng walong puntos, tigatlong rebounds at blocks at isang steal.

Sinupalpal ni Eman si Boyet Bautista na siyang pumugil sa paghahabol ng Toyota Otis na naka-lapit sa 65-70.

Umiskor sina Ronjay Enrile at Marvin Ortiguerra ng tigalawang freethrows upang iselyo ang tagum-pay.

Ang panalong ito ay nagbigay ng karapatan sa Rain r Shine na saluhan sa pangkalahatang pa-mumuno ang walang larong Montaña Pawn-shop.

Sumandal ang Ha-pee-Philippine Christian University sa epektibong depensa sa huling limang minuto ng labanan pang igupo ang Harbour Cen-tre, 68-63, sa unang laro.

Sa tulong nina Gabby Espinas, Jason Castro at Robert Sanz nalimitahan ng Teethmasters ang Harbour Centre sa tatlong puntos sa huling mahigit apat na segundo ng laba-nan kasabay ng paghakot ng siyam na puntos tungo sa kanilang unang panalo matapos mabigo sa kanilang debut game.

vuukle comment

BOYET BAUTISTA

ELASTO PAINT

EMAN

GABBY ESPINAS

HARBOUR CEN

HARBOUR CENTRE

JASON CASTRO

JAY-AR REYES

MARVIN ORTIGUERRA

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with