SWU belles sibak, di kasama sa Boracay
March 30, 2006 | 12:00am
Nawala sa eksena ang three-time defending champion South Western University (SWU) nang sibakin ito ng University of Southern Philippines (USP) na kasama sa apat na womens team na makakasama sa Boracay para sa Nestea Beach Volleyball finals, sa pagtatapos ng Visayas qualifying leg sa La Salle Green Hills sand court kahapon.
Sinilat ng tambalang Marissa Lagancia at Ellen Pongase ng USP ang South Western pair nina Marites Natad at rookie Hazel Pinero, 25-15 na naglulok sa kanila sa semifinal round ng womens event.
Matapos ang panalo sa SWU, sinundan nina Lagancia at Pongase ang kanilang panalo ng pagsibak sa Foundation University tandem nina Lowella Manos at Rea Olis, 25-23 para sa ikatlong panalo sa apat na laro na sumiguro sa kanila ng ticket patungong Boracay sa Mayo 4-6 kung saan titipunin ang top-four men at women teams ng Luzon, Visayas at Mindanao qualifying kung saan nakataya ang P100,000 champion purse.
Sa mens division, balik uli sa finals ang two-time titlists University of San Jose-Recoletos matapos nilang kubrahin ang ikatlong sunod na panalo sa paggupo sa University of Negros Occidental-Recoletos, 25-18.Pumasok din sa top-four ang University of San Carlos (3-1) at University of Negros Occidental-Recoletos (3-1).
Nakatakda ngayon ang one-day qualifying ng Mindanao division. (Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended