^

PSN Palaro

Higante ng Rain or Shine kikilatisin

-
Papagitna ngayon si Samaigue Eman, isa sa hinuhulaang susunod na dominanteng manlalaro sa liga sa pakikipagharap ng defending champion Rain Or Shine sa Toyota Otis sa 2006 PBL Unity Cup sa San Andres Gym sa Malate.

Ang pagkakadagdag ng 6’10 na manlalaro mula sa Davao ay inaasahang magpapalakas sa matatag nang frontcourt ng Elasto Painters na umaasang aalis sa liga ng may iiwanang magandang alaala. Ang koponan na pag-aari ng pamilya nina Raymund Yu at Terry Que ay aakyat na sa PBA sa Oktubre.

Masusubukan ang bilis at husay ni Eman sa paghaharap ng Elasto Painters at Toyota Otis sa tampok na laro sa ganap na alas-4 ng hapon.

"He has the makings of a Dennis Espino. I’m sure he’s the player we’ve been looking for, he’s quick for his size," patungkol ni team manager Boy Lapid kay Eman.

Mauuna rito, magtitipan naman sa ganap na alas-2 ng hapon ang Harbour Centre at Hapee-PCU. (CVOchoa))

BOY LAPID

DENNIS ESPINO

ELASTO PAINTERS

EMAN

HARBOUR CENTRE

RAIN OR SHINE

RAYMUND YU

SAMAIGUE EMAN

SAN ANDRES GYM

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with