^

PSN Palaro

Air21 tumba sa Red Bull

-
Umiskor ng 13 puntos mula sa kabuuang 17 puntos sa ikaapat na quarter si Lordy Tugade nang banderahan niya ang 112-98 pamamayani ng Red Bull laban sa Air21 sa pagpapatuloy ng eliminations ng Gran Matador-PBA Philippine Cup na ginanap sa Cuneta Astrodome, kagabi.

Bumanat ng 13 puntos si Tugade sa ikaapat na quarter lamang matapos ang malamyang panimula.

Ang panalo ay ikatlo ng Bulls habangf bumagsak naman sa 3-3 ang Express.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, magtatanghal ang Philippine Basketball Association (PBA) All-Star Weekend sa Mindanao.

Sa isa namang milyahe sa 31 taong kasaysayan ng liga, napili ang Misamis Oriental-Cagayan de Oro bilang host ng mid-season annual classic na nakatakda sa Abril 27-29.

Naungusan ng Misamis Oriental-CdO ang Iloilo sa mahigpit na laban para sa karapatan na magtanghal ng tatlong araw na event.

"The PBA is pleased to announce the selection of Misamis Oriental-Cagayan de Oro as site of All-Star weekend 2006," wika ni league commissioner Noli Eala.

Ang pagkakapili sa Misamis Oriental-CdO ay nagsiguro sa isa namang matagumpay na pagtatanghal ng All-Star spectacle matapos ang pagtatanghal nito sa Visayas (2004) at Luzon (2005).

Kasalukuyan namang naglalaban pa ang San Miguel Beer at Sta. Lucia Realty habang sinusulat ang balitang ito. (Carmela V. Ochoa)

ALL-STAR WEEKEND

CARMELA V

CUNETA ASTRODOME

GRAN MATADOR

LORDY TUGADE

LUCIA REALTY

MISAMIS ORIENTAL

MISAMIS ORIENTAL-CAGAYAN

NOLI EALA

ORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with