Jewels nagningning kontra sa dating coach
March 29, 2006 | 12:00am
Sa pakikipagharap ng mga Montaña Jewels sa dati nilang coach na si Robert Sison na nasa kampo na ng Granny Goose, ginamit nila ang kanilang natutunan sa dating mentor para sa 66-58 panalo sa pagpapatuloy ng 2006 PBL Unity Cup sa San Andres Gym kahapon.
Sumandal ang Montaña kina Al Magpayo, Alex Compton at Eric dela Cuesta tungo sa kanilang pagsulong sa ikalawang sunod na panalo para hawakan ng pansamantala ang solong liderato.
Umiskor si Magpayo ng tres habang umiskor ng tigalawang freethrows sina Compton at Magpayo upang iselyo ang ikalawang sunod na kabiguan ng Tortillos.
Nagbanta ang Granny Goose sa 56-59 matapos ang three-point play ni Kevlin dela Peña sa huling 1:32 oras ng labanan ngunit mabilis na napigilan ng Jewels ang tangkang pagbangon ng Jewels matapos umiskor ng freethrows sina Compton at dela Peña para sa komportableng 63-56 bentahe papasok sa huling 27.5 segundo ng labanan.
Naiselyo ng Montaña ang panalo nang umiskor ng fastbreak si Froilan Baguion mula sa nagmintis na tres ni Jett Latonio sa panig ng Granny Goose.
Sa unang laro, nakabawi ang 2005 Heroes Cup champion na Magnolia Ice Cream sa kanilang pagkatalo sa kanilang opening game matapos pasadsarin ang bagong saltang T0eletech Titans.
Kumulekta si Kelly Williams ng 22-puntos na kanyang tinuldukan ng isang dunk sa huling 10-segundo ng labanan bukod pa sa 18-rebounds upang pamunuan ang Magnolia Spinners sa pagsulong sa 1-1 kartada matapos mabigo sa Granny Goose noong Marso 25, 55-64.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended