Itinala ni Castillo ng Centro Atletico ang 21-8, 21-2 panalo laban kay Dorothy Griarte sa upper half ng draw ng centerpiece event at itakda ang pakikipagharap kay Michelle Cruz ng Woodrose School na nanalo kay Arabelle Lacorte ng Sports Zone, 21-17, 21-9.
Dinispatsa naman ni Alcala na paborito sa 12-under class, si Vicka Dorado ng RAQ4, 21-6, 21-11, upang itakda ang quarterfinal round duel laban kay Krisnin Yang sa lower bracket. Si Yang, top bet ng Whackers Badminton Court, ay nanalo kay Tracy Alagao ng Power and Speed, 21-15, 21-11.
Ang iba pang umusad sa tournament na sponsored ng JVC (PHILS.), Inc. at inorganisa ng img, ay sina Kathleen Balatbat ng Malolos, Abegail Garcia ng PNP, at Centro Atletico bets na sina Jessalam Sampurna at Pia Fabros.
Nakaligtas si Balatbat kay Suchika Kumar ng RAQ4, 21-14, 21-14; tinalo ni Garcia si Cristine Ignacio, 21-10, 21-10; iginupo ni Sampurna si Creza Songsong ng Sangandaan, 21-3, 21-10; at namayani si Fabros kay Kiara Castelo, 21-15, 21-9.
Maraming premyo ang nakakataya tulad ng JVC gift items sa L-Time Studio watches, Pioneer personal at educational plans sa event na suportado ng Victor, exclusively distributed ng Pcome Industrial Sales, Bingo Bonanza, Snickers Chocolate, Hanford, L-Time Studio, Lactacyd, Alaska, Pinoy Exchange, Pioneer Life, Accel, PowerSmash, The STAR, Sunbolt at Rudy Project.