^

PSN Palaro

1st gold sa Thailand World C’ships nakopo ng RP Muaythai team

-
BANGKOK, Thailand -- Nakopo ng Philippine Muaythai Team kahapon ang unang gold medal na nakataya sa 3rd World Muaythai Championship sa Bangkok, Thailand sa aero-bics category.

Tinalo ng World Muaythai Philippines (WMF-Phils.) Mo-tolite-Pagcor Muaythai Aero-bics Team na binubuo nina Wushu SEA Games gold me-dalists George Lusadan, 2003-2005 flyweight Muaythai National champion at 2003 Thailand Queen’s Cup bronze medalists Jessica Oyang, at Emmanuel Sabrine mula sa Chinese Kickboxing Team ng NCR, ang Lebanon team na siyang komopo ng bronze medal.

Naisubi rin ng RP Team ang bronze medal sa tulong nina Billy Alumno at Sonny Sumales mula sa Muay Association of the Philippines (MAP), kasama ang Iran team sa Wai Kru at Muayboran category kung sa-an ang Germany ang nanalo ng gold at ang silver ay sa Kuwait.

Ang RP lalaban naman sina Emmanuel Sabrine ng WMF-Phils para sa bronze medal sa pinweight category ngayon gayundin si SEA Games gold medalist Roland Claro ng MAP National team sa flyweight division.

Pinadala ang 5-man WMF-Phils. team na pinangunahan ni Brico Santis at ang MAP na binubuo rin ng 5-players sa pamumuno naman ni Roberto Valdez sa torneong ito na inorganisa ng World Muaythai Federation.

BILLY ALUMNO

BRICO SANTIS

CHINESE KICKBOXING TEAM

EMMANUEL SABRINE

GEORGE LUSADAN

JESSICA OYANG

MUAY ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

MUAYTHAI NATIONAL

PAGCOR MUAYTHAI AERO

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with