Itataya na ng CAS sa simula pa lang kung magkano ang magugugol sa mga pagdinig, at ang mahirap dito ay paghahatian ng magkabilang panig ang gastos. Ayon sa CAS The ad-vance shall be paid in equal shares by the Claimant and the Respondent. If a party fails to pay its share, the other may substitute for it; in case of non-payment, the request/appeal shall be deemed withdrawn; this provision shall also apply to any counterclaim.
Pati halaga ng mga testigo, eksperto at maging ang mga inter-preter ay babayaran ng magkabi-lang panig. Sa katapusan ng kaso, sasabihin ng CAS kung sino ang magbabayad ng danyos at kung paano paghahatian ang mga gastusin.
Sa mga hakbang pa lamang na ito ay magkakaproblema na, dahil di masasabi kung makikisa-ma ang POC at Pilipinas Basket-ball, dahil para sa kanila, balewala na ang BAP.
Kung di mapagkasunduan ng dalawang panig kung sino ang dapat magsilbing mediator, ang CAS ang pipili. Ang mediator ay isang taong hindi maiimpluwen-syahan ng kahit alin sa dalawang sangkot sa kaso, at kailangang mag-ulat kung may mangyaring makakapagkompromiso sa kanyang mga kilos. Kinakailangan din na, kung may kinatawan ang kahit alin sa dalawang panig, makakapagdesisyon ito ng nag-iisa at di nangangailangan pang konsultahin ang kahit sino, mahig-pit na sinusunod ang patakarang ito.
Sa oras na matupad ang mga ito, itatakda na ng mediator ang panahon ng pagsumite ng bawat panig nga mga pangangailangan para mabilisang umandar ang pagdinig.
Pagsimula ng kaso, lahat ng kasama rito ay inaatasang huwag ilahad sa kahit sino ang mga kaga-napang susunod. Lahat ng mga rekord at kasunduan ang sinisigu-radong confidential hanggang sa matapos ang kasot makapagbi-gay ng pasya ang CAS. Dito si-guradong mahihirapan ang mag-kabilang panig, dahil mahihirapan silang impluwensyahan ang media na akalaing nananalo sila.
Ayon pa sa mga patakaran ng CAS, ang mediation ay maaaring itigil sa anumang oras kung na-naisin ng kahit sino sa claimant o respondent. Dito maaaring mag-karoon ng malaking gulo, dahil maaaring ipatigil ng isang panig ang kaso kung sa tingin nilay matatalo sila.
Ang tanong dito ay kung sulit ang lahat ng sakit ng ulo na ito, dahil lamang ayaw mag-usap ng maayos ang mga nagpapatakbo ng basketbol sa atin.