Granny Goose, Montaña nakauna

Ang bagong mentor na si Robert Sison ang siyang umani ng itinanim ni dating coach Joe Lipa sa Granny Goose.

Humugot si Kelvin Dela Peña ng anim sa kanyang 12 puntos sa fourth quarter upang tu-lungan ang Snackmas-ters sa 64-55 paggupo sa Magnolia Spinners sa pagsisimula ng 2006 PBL Unity Cup kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

"Actually, si coach Joe talaga ang nag-hone ng skills ng buong team ng Granny Goose. I just earned the divi-dends kumbaga," sabi ni Sison, dating coach ng Montaña Pawnshop. "Two weeks pa lang kaming nagpa-practice ng team, kaya I’m very glad that the players responded well to my system."

Sa inisyal na laro, kumolekta naman si 6-foot-5 Ken Bono ng 14 marka at 13 rebounds para igiya ang Montana ni Neil Parado sa 65-62 panalo kontra sa bagi-tong TeleTech ni Jerry Codiñera.

Kapwa ngayon may 1-0 rekord ang Snackmas-ters ni Sison at ang Jewels ni Para-do, habang may magka-tulad na 0-1 baraha ang Spinners ni Koy Banal at ang Titans ni Codiñera. (RCADAYONA)

Show comments