^

PSN Palaro

Siguradong maaaliw kay Rodman sa May 1

-
Nasisiguro ng mga organizers ng exhibition game sa pagitan ng mga NBA legends at ng PBA selection na magsho-show ang dating NBA star na si Dennis Rodman.

"For sure, Dennis (Rodman) will put on quiet a show," pahayag ng spokesman ng organizer na West End Sports Tours na dumalo kahapon sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura.

Itinakda na ang unang exhibition game sa May 1 sa Araneta Coliseum kung saan makakasama ni Rodman ang anim pang NBA legends na kinabibilangan ng mga Hall-of-Famers na sina Alex English, Calvin Murphy, All Stars Sidney Moncrief, Otis Birdsong, Kevin Willis at Darryl Dawkins.

Kasalukuyan pa nag-nenegosasyon para sa isa pang exhibition match sa Mandaue City sa Cebu sa Abril 27.

Hindi pa natutukoy kung sino ang mga makakalaban ng bisitang koponan sa Cebu.

Ang NBA Legends ay posibleng samahan ng anim pang imports para punuin ang roster o humiram din ng mga players sa PBA.

Pumayag din si Rodman na magsagawa ng isang araw na children’s clinic at magkakaroon din ito ng book signing appearance sa isang mall para sa kanyang librong ‘" Should Be Dead By Now."

Magkakaroon din ng apat na basketball clinics ang NBA Legends habang naririto sa Bansa.

Magsisimulang magbenta ng tickets sa Marso 27 sa lahat ng Ticketnet location kung saan ang pinakamababang presyo ay P500 at P5,000 sa ringside habang magkakaroon ng special at limitadong "Rodman row" na P15,000. (CVO)

ALEX ENGLISH

ALL STARS SIDNEY MONCRIEF

ARANETA COLISEUM

CALVIN MURPHY

CEBU

DARRYL DAWKINS

DENNIS RODMAN

KEVIN WILLIS

MANDAUE CITY

OTIS BIRDSONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with