Sa extra issue ng The Ring magazine, tinanghal si Pacquiao bilang Bible of Boxing, isang karangalan na kasama niya sina Oscar De La Hoya at Arturo Gatti.
Bagamat hindi napanood sa American movie house ang pelikula ni Pacquiao na "Lisensyadong Kamao (A License to Punch), naiintindihan ng mga Amerikanong fans kung bakit isang big star si Pacquiao sa Pilipinas.
Sa kanyang animalistic fury na katulad noong mga kapanahunan nina Aaron Pryor at Roberto Duran, dinurog ng Pinoy si Erik Morales noong nakaraang Enero at walang duda na siya ngayon ang pinakamagaling na boksingero sa kanyang panahon.
Sa isinulat ni Don Stradley sa kanyang lead ang tungkol sa Pinoy ring icon na may titulong "Pacmania explodes-worldwide."
Binigyan diin din ni Stradley ang kahusayan at kapana-panabik na si Pacquiao at sinabing "Pacquiao wants to be Mr. Excitement all the time. Even when hes not at his best, he guarantees some thrills."