Isinelyo ni Larry Ti, Tanduay advertising manager at Andres Co, Tanduay vice-president for marketing ang pagsuporta ng No. 1 rhum sa bansa sa taunang multi-stage cycling event kasama si Gary Cayton, presidente ng Padyak Pinoy organizer Dynamic Solutions Inc. (Dos-1).
Nasa contract signing din noong Lunes sa Tanduay office sa Pasig City, sina Tanduay special events head Rowena Barra, Tanduay regional sales manager Napoleon Lim, Philippine National Cycling Association (PNCA) president at dating Eagle of the Mountain Paquito Rivas at DOS-1 business development managers Joanne Ramos at Ronald Cabansay.
Bukod sa pagiging presentor ng 10-stage, 11-day Padyak Pinoy na dadaan sa Lungsod ng Cabanatuan, Olongapo, Dagupan, Vigan, Baguio, Angeles, Tagaytay at Manila, ang Lucio Tan-owned company ay aangkin din sa isa sa 10 team sa karera. Ito ay ang Cossack Vodka.
Walumpung siklista ang maglalaban ngayong tag-init sa Padyak Pinoy na may basbas ng PhilCycling at lisensiyado ng Games and Amusements Board.