CSB beach spikers humataw agad
March 22, 2006 | 12:00am
Kaagad na nagparamdam ng pagdedepensa sa kanilang korona ang mens champion College of St. Benilde.
Humataw ang tambalan nina Janley Patrona at Rael Pio De Castro ng kumbinsidong 25-14 panalo para sa Blazers laban kina Nemesio Gavino at Ryan Sucaldito ng San Beda Red Lions sa 10th Nestea Beach Volleyball Luzon Eliminations kahapon sa La Salle Greenhills.
Katuwang sana ng 21-anyos na si De Castro si Diomar Punzalan para sa St. Benilde.
Si De Castro, nanggaling sa La Salle, ang tinanghal na MVP noong 2005 season ng NCAA.
"Sanay na rin naman ako sa ganitong labanan, kaya hindi na sa akin mahirap yung pag-a-adjust," wika ng 5-foot-11 na si De Castro sa torneong suportado ng Speedo, Mikasa, Le Soleil De Boracay Hotel, Canon Powershot Digital Cameras, Club Ten Resort, Villa de Oro Boracay Beach Resort at Coppertone.
Naglista rin ng panalo sa mens class ang Letran sa San Sebastian, 28-26; ang Philippine Christian University sa La Salle, 25-17; ang St. Francis sa University of the Cordilleras, 25-20; at ang Far Eastern University sa University of Luzon, 26-24.
Nagbulsa naman ng panalo sa womens division ang Adamson sa PCU, 25-16; ang Lyceum sa St. Jude, 25-8; ang University of the Cordilleras sa Lyceum-B, 25-10; at ang University of Baguio sa St. Louis University, 25-15. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended