^

PSN Palaro

Bagong Harbour Centre ang haharap sa PBL Unity Cup

-
Sa pagsikad ng 2006 PBL Unity Cup sa Sabado, asahan na isang mapanganib na Harbour Centre ang bubulaga sa kanilang mga kalaban.

Taglay ang pagiging matinik sa opensa sa lahat ng walong koponan, sigurado ang Harbour Centre sa kanilang magiging kampanya sa nasabing kumperensiya.

At ito’y dahil nasa kanilang panig pa rin ang matikas ang pulso na sina Joseph Yeo, LA Tenorio at Rob Reyes na silang susi sa pagkamada ng Port Masters ng impresibong 77 puntos kada laro.

Nasa koponan na rin ni coach Jorge Gallent sina Chico Lanete at Ryan Araña na masasandalan sa ipaiiral nilang pressing defense bukod pa sa kakayahan ng dalawa na bumuslo.

"We have no problem with our offense the last time but we really struggled on the defensive end, we hope we can do better this time," ani team owner Mikee Romero. "We learned from our mistakes the last time so we hope we can plug the holes by acquiring several players whom we feel are tailor-made for us."

Ito ay patungkol ni Romero sa kanyang paghugot sa role players sa pangunguna ng 6-foot-5 na si Allan Gamboa, 6-foot-4 Rico Maierhofer at dating pro na si Gec Chia na inaasahang magbibigay ng karanasan at stability sa koponan.

Si Tenorio ay itinaas bilang team skipper at ito na ang kanyang huling laro sa premiere amateur league sa bansa at siguradong ibibigay niya ang lahat ng kanyang magagawa upang maging maganda ang kanyang pamamaalam sa liga bago siya umakyat sa pro league ngayong October.

Ayon naman sa team manager na si Erick Arejola, pinanatili rin nila ang serbisyo ng forward na sina Jerwin Gaco, Chad Alonzo, Jerome Paterno, Jenkins Mesina at JA Coching.

Bukod kay Lanete, sasandalan rin ni Gallent sa opensa si Earn Saguindel at Ryan Dy.

vuukle comment

ALLAN GAMBOA

CHAD ALONZO

CHICO LANETE

EARN SAGUINDEL

ERICK AREJOLA

GEC CHIA

HARBOUR CENTRE

JENKINS MESINA

JEROME PATERNO

JERWIN GACO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with