3rd Tour title asam ni Davadilla
March 18, 2006 | 12:00am
Hangad ni Wareen Davadilla na maipadyak ang kanyang back-to-back Tour Pilipinas title--ang ikatlo sa overall--gamit ang malalim na training kung saan mapapasabak siya sa 80 siklista na maglalaban-laban sa cycling marathons Padyak Pinoy edition ngayong Abril 20-30.
Nasa kalagitnaan na si Davadilla, isang Airmen first class sa kanyang 60-araw na basic military training sa Dernando Airbase sa Lipa City. At sa pagsapit ng Tour, siya ay handang-handa ng sumakay sa kanyang bisikleta at salamat sa kanyang national teammates na pumadyak sa Batangas upang dalhin ang kanyang mga equipment.
Ngunit para kay Davadilla, winner ng 1998 Tour na naging international at ng Golden Tour na nagdiwang ng ika-50th taong anibersaryo noong nakaraang taon, batid niya na mahihirapan siyang maulit ang nasabing tagumpay.
"Mahirap mag-back-to-back pero bibigyan ko ng magandang laban," wika ng pambato ng Malabon, na gaya rin ng Golden Tour second-placer na si Frederick Feliciano, ay seeded sa Tour ng organizing Dynamic Solutions Inc. (Dos-1).
Kabilang rin sa magiging pagsubok ng mga locals ay ang individual time trials races sa dahilang ang ninth stage ay gagamitin ang ruta na siyang ginamit sa 23rd Southeast Asian Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended