NCAA flag ibinigay na sa St. Benilde
March 16, 2006 | 12:00am
Dalawang malalaking bagay ang tinanggap ng College of St. Benilde mula sa Colegio de San Juan de Letran kahapon.
Una, ang isang magarang championship trophy bilang overall champion ng seniors division ng 81st season ng National Collegiate Athletics Association (NCAA).
Ikalawa ay ang bandila ng NCAA, tanda ng kanilang pagtanggap ng responsibilidad para sa pagho-host ng 2006 season ng pinakamatandang liga ng bansa.
Tinanggap nina incoming CSB president Edmundo Hernandez at incoming Management Committee (ManCom) chairman Bernie Atienza ang tropeo at NCAA flag mula kina outgoing president Fr. Edwin Lao at outgoing ManCom chairman Fr. Vic Calvo. "In behalf of Letran College, I would like to thank you all for making our hosting a successful one," pahayag ni Lao.
"We promise to have more exciting season and we hope that we could be as effective as the previous host," sagot naman ni Fernandez. Tinanghal namang overall champion ng juniors division ang San Sebastian College.
At para hindi matulad ang NCAA sa University Athletics Association (UAAP) na nagkaroon ng isyu sa PEP Test, gumawa sila ng bagong ruling upang makaiwas sa kontrobersiya ang liga. Para sa mga estudyanteng nais maging atleta na gagamit ng PEP Test, kailangan magkaroon ito ng one-year residency, una, upang bigyan ng pagkakataon ang atleta na makapag-adjust sa academic at ikalawa, para na rin magkaroon ng panahon ang NCAA na iberipika ng maigi ang PEP Test.
"This is not to doubt the athlete but usually, these athletes who use PEP Test has academic problems so we have to give them time to adjusts and use this time to double and even triple check their PEP Test," paliwanag ni Lao. Ayon naman kay Atienza, namimili pa ang St. Benilde sa Ninoy Aquino Stadium, Cuneta Astrodome at Rizal Memorial Coliseum, ang gagawing regular venue ng basketball competition bagamat tiniyak nitong ang opening, finals at cheering competition ay sa Araneta Coliseum gaganapin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am