Hinamon ni Barrera, na tinalo ni Pacquiao noong 2003 bago kunin ang titulo sa kapwa niya Mexicanong si Erik Morales noong 2004, ang Pinoy para sa isang rematch.
Ayon sa ulat, binigyan ng pitong araw o hanggang ngayon si Pacquiao para magdesisyon.
Nananabik ang WBC, sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Jose Sulaiman na tulad ni Barrera para sa kasagutan ni Pacquiao sa rematch.
Ngunit tila hindi seryoso ang Pinoy sa hamon na ito at sinabing nag-iingay lamang ang Mexican champion.
"The WBC will follow strictly its rules. If the challenger (Pacquiao) refused, and the champion (Barrera) has already accepted the fight, the WBC will select the highest available challenger next," ani Sulaiman batay sa isang ulat.
Nang daigin ni Pacquiao si Morales sa kanilang rematch noong Enero 19 sa Las Vegas, naging No. 1 challenger ang Pinoy kay Barrera at mawawala ang kanyang estado kung tatanggihan niya ang hamon na labanan ang kampeon.
Ang No. 2 challenger ay Morales at No. 3 Javier Jauregui, na isa pang Mexican.
"We are waiting to know if Pacquiao takes the fight or not. Barrera already said yes," pahayag ni Sulaiman sa isang panayam.
Hindi naman obligado si Pacquiao na harapin si Barrera, lalo na at nakalinya ang laban niya kay Oscar Larios sa Manila sa July 2 sa isang tuneup match patungo sa ikatlo at deciding match laban kay Morales sa Setyembre.
Tila hindi makatuwiran para kay Barrera na si Morales ang labanan. Nagharap na ang dalawang boksingero ng tatlong beses kung saan abante ang world champion sa 2-1.
Isang malapit sa multi-millionaire na si Pacquiao na mula sa Gen. Santos City ay hindi interesado sa WBC ranking lalo na at kumita ito ng kulang-kulang sa $5 million sa kanyang tatlong huling laban na pawang mga non-title bout.
Nakatakdang umalis si Pacquiao patungong Amerika para ipinalisa ang kanyang nalalapit na laban na siya mismo ang promoter.