"Hindi naman mahaba ang playing time na mapupunta kay Gamboa. Pamalit lang. Halimbawa, against Talk N Text, pambangga lang muna kay Asi Taulava," ani Purefoods coach Paul Ryan Gregorio.
Maghaharap kasi ang Purefoods at Talk N Text sa unang out-of-the-country game ng PBA na gaganapin sa Hongkong sa darating na Linggo. Tiyak na poproblemahin ng Giants kung paanong pipigilan si Taulava at ang iba pang malalaking players ng Phone Pals.
So kung nasa kampo na nga nila si Gamboa, may isang additional big man sila na mapapakinabangan kahit na paano.
Pero hindi pa rin sila lilihis sa bago nilang game plan - ang tumakbo. Hindi nga bat iyon ang naging susi sa kanilang tagumpay kontra Sta. Lucia Realty sa kanilang unang laro sa kasalukuyang torneo noong Miyerkules?
Kontra Talk N Text, pwede nilang gawin ito dahil sa hindi ganun kabata at kabilis ang Phone Pals. Hindi nga bat sa limang bagong manlalarong kinuha ni coach Derick Pumaren, si Anton Villoria lang siguro ang puwedeng tumakbo. At sa mga datihan naman, tanging sina Willie Miller at Jimmy Alapag ang puwedeng makipagsabayan sa takbuhan sa Giants.
Tiyak na pipilitin ng Giants na huwag mapunta sa half court set ang kanilang opensa dahil kapag nakapwesto na ang malalaking players ng Talk N Text, mahihirapan na ang Purefoods. Sa ganitong senaryo, kailangang magsipag nang husto ang malalaking players ni Gregorio.
Bukod kay Gamboa ay maaasahan pa rin naman ni Gregorio ang mga tulad nina Kerby Raymundo, Jun Limpot, Marc Pingris at Richard Yee.
Isang magandang treat para sa mga taga-Hongkong ang pagpunta ng PBA doon. Marami din namang overseas Filipino workers na nandoon at nananabik na mapanood ang mga paborito nilang basketbolistang taga-PBA. So marami ang nagsasabing magiging isangmalaking hit ang Purefoods-Talk N Text game doon.
Pero magiging hit ba si Gamboa sa Purefoods?
Hindi naman ine-expect ni Gregorio na magiging hit si Gamboa. Isa kasi itong role player. Kahit kailan naman sa kanyang PBA career ay hindi naman naging dominante si Gamboa.
Pero isang bagay ang tiyak. Masipag itong dumepensa. Bonus na nga lang kapag nakapuntos si Gamboa dahil hindi iyon ang kanyang papel.