Pacquiao-Barrera fight ang gusto ng mga fans
March 12, 2006 | 12:00am
Kung tila hindi man seryoso si Manny Pac-quiao sa hamon ni Marco Antonio Barrera, intere-sado naman ang mga die-hard fans ng Pinoy boxing superstar dito.
Sapul nang hamunin ni Barrera, ang reigning World Boxing Council super featherweight champion si Pacquiao, nagtatanong na ang mga fans tungkol dito.
Sa kasalukuyan nag-sasagawa ng online poll ang website na manny-pacquiao.ph sa mga fans kung ano ang gusto nilang gawin ni Pacquiao ngayong hinamon ni Barrera ang Pinoy sa isang malinaw at mada-liang title shot.
May tatlong sagot na pagpipilian ang mga ito: mula sa ilaglag ang laban kay Oscar Larios para agad labanan si Barrera; harapin muna si Larios sa June at isunod si Barrera; o labanan si Barrera pag-katapos ng ikatlong laban niya kay Erik Morales sa Setyembre.
At sa nakalipas na tatlong araw pa lamang mula sa 3,619 boto, 56.3 porsiyento ng mga fans ni Pacquiao ang mas gus-tong ilaglag na ang laban kay Larios sa July 2 sa Araneta Coliseum at sa halip ay harapin si Barrera sa nasabing iskedyul.
Ang 25.1 porsiyento naman ay nagsasabing ituloy ang nakatakdang laban kay Larios kasunod si Barrera at 18.7 porsi-yento naman ang mas gustong labanan muna si Barrera pagkatapos ng laban kay Morales.
Plano ni Pacquiao na labanan si Larios, dati ring world champion, bilang tuneup para sa kanyang ikatlo at deciding match kay Morales na pansa-mantalang nakatakda sa Setyembre 16 sa Las Vegas.
Ngunit tila tinatalikuran na ni Larios ang laban dahil sa unstable political situation sa bansa na siya ring dahilan kung bakit umaayaw ang HBO o Home Box Office sa pagsasa-ere ng laban sa July.
Dahil dito, naghaha-nap ng bagong makaka-laban ang mga nama-mahala kay Pacquiao para makapalit ni Larios at nakatakdang umalis si Pacquiao patungong Amerika para ipinalisa ang mga detalye tungkol sa laban dito sa Manila na isasa-ere ng ABS-CBN.
Sa pagbabalik ni Pac-quiao sa Manila, mala-mang na dala na nila ang pirmadong kontrata sa laban kung hindi laban kay Larios ay sa ibang boksingero naman na makakapalit ng dating 122 lbs. champion.
Tinalo ni Pacquiao si Barrera nang una silang magkita noong Nob-yembre 2003, makaraang umiskor ng sensational 11th round knockout at kumpiyansang ito rin ang magiging resulta sakaling maglaban uli sila.
Kamakailan lamang ay pinagtawanan ni Pacquiao ang hamon na rematch ni Barrera at sinabing nagpapapansin lang ang Mexican boxer para makakuha ng malaking laban. (Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended