Hindi naging madali ang pagbuo ng 11-koponan na liga. Unang-una, mahigpit na pinahawakan ng bawat team ang gastusin, nang sa ganoon ay magtagal sila. Pangalawa, malaking tulong ang sponsorship ng Sulpicio Lines upang maibsan ang napakabigat na gastos sa pagbiyahe. Tandaan nating Luzon at Mindanao ang pinagmumulan ng mga team, at lahat ng lugar ay pupuntahan nila.
Marami nang natulungan ang NBC sa maikli nitong buhay. Dahil sampu sa labing-anim na player ng bawat team ay kailangang magmula sa kanilang lugar, nabigyan ng puwang ang mga lokal. Dagdag pa rito ang dose-dosenang dating MBA at college player na may suweldo na. At higit sa lahat, malaking tulong ang pagkakaroon ng team sa bawat pamaha-laang lokal.
May mga retiradong player din na nakahanap ng pagka-kataong makapagsuot ng uniporme uli, o kayay masu-bukan ang maging coach. At may mga assistant coach na nakasubok nang humawak ng team.
Hindi rin biro ang mag-coach sa NBC. Isipin mo, labinlima hanggang labingwalo ang babalasahin, at kailangang pangala-gaan ang kundisyon ng mga player sa lahat ng pagdadaanan nila. Iba-iba ang pagkain, ang tubig. Namamahay sila sa mga tinutulugan. Ang mga may pamilya ay nangungulila rin, siyempre.
Ang isang magandang benepisyo ng NBC ay napagka-kaisa nito ang mga pamayanan, ang bawat bayan. Nalilibang ang mga tao, at maipagmamalaki nila ang mga katutubo nilang mga manlalaro. Nagkakaroon ng pakiramdam na may kakayanan silang sumikat sa isang sport na mahal ng bayan.
Dahil sa naidudulot na benepisyo ng liga, di-kukulangin sa apat pang bayan ang sasali sa susunod na conference. At ang ilang kasalukuyang miyembro ay nagbabalak na magtayo ng malalaking gym, para makaakit na rin ng ibang laro, tulad ng PBA, pati mga concert.
Mukhang malayo ang mararating ng NBC, bastat di nila uulitin ang mga pagkakamali ng iba, tulad ng MBA.