Sinabi kahapon ni PSC deputy executive director Cesar Pradas na pina-eestima na niya ang magiging gastos para sa pagpapalamig sa naturang venue na inilista na ng Philippine Basketball Association (PBA) bilang isa sa kanilang mga paglalaruan ngayong taon.
"Pinae-estimate ko na kung magkano talaga ang magagastos ng PSC kasi may nag-estimate na dati na P5 million para sa buong airconditioning ng Rizal Memorial Coliseum," ani Pradas.
Inaasahang matatapos ang estimasyon sa Abril, ayon kay Pradas.
Dalawang beses nagdaos ng kanilang laro ang PBA sa Rizal Memorial Coliseum noong 1979 at 1980 nang hindi nila magamit ang Araneta Coliseum sa Cubao.
Bukod sa PBA, nagparamdam na rin ng kanilang interes ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na gamitin ang nasabing venue.
Nakatakda ang opening ceremonies ng 82nd season ng NCAA sa Hunyo 24 sa Araneta Coliseum.
"Siyempre, kailangan rin nating pinturahan yung bleachers as well as yung mga upuan para sa mga manonood," wika ni Pradas. (Russell Cadayona)