Barrera nais makisakay
March 9, 2006 | 12:00am
Hinahamon ni Marco Antonio Barrera si Pinoy ring icon Manny Pacquiao.
Ngunit ang hamon na ito ay nakasalalay sa kay Erik Morales.
Pero may mga nakatakdang laban si Pacquiao sa mga susunod na buwan, ayon sa kanyang American trainer na si Freddie Roach sa boxingtalk.
"Yes I heard about it," ani Roach nang tanungin kung alam niya ang hamon na ito ng kampo ni Barrera. "The thing is we have a schedule right now a fight before Erik, and then on to Erik Morales."
Pinatutsadahan din ni Roach si Barrera na timing ang kanyang hamon dahil ginawa niya ito sa panahon na nasa itaas ng career si Pacquiao habang siya ay naghahanap naman ng matinding katunggali upang mapabango pa ang kanyang sarili.
Bagamat walang titulo, si Pacquiao ay isa sa mga sinabing top drawer ng manonood base na rin sa kinalabasan ng mga laban niya kina Barrera, Juan Manuel Marquez at sa dalawang pagkikita nila ni Morales.
Pinaalalahanan din niya si Barrera na nung ang kampo ni Pacquiao ang naghahamon ng laban, walang ginawa ang Mexican champion kundi ang magdahilan at umiwas na maitakda ang sagupaan.
"Right now, Barrera wants to be where Manny is, and thats on top. We have to give Morales his opportunity as the contract states. If Erik chose not to fight Manny, then perhaps we can look Barrera," ayon pa kay Roach.
Ipinadala ng kampo ni Barrera ang alok na laban kay WBC president Jose Sulaiman para sa mandatory title defense laban kay Pacquiao.
At tila pang-aasar pa kay Barrera, binanggit pa ni Roach na mas mabuti na ang kapatid ni Manny na si Bobby na lamang ang siyang gumawa ng counter offer sa kampeon dahil naniniwala siyang kakayanin ng batang Pacquiao ang Mexican champion.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended