Alas-7:35 ng gabi ang sagupaan ng Gin Kings at ng Phone Pals sa ikala-wang game-day ng all-Pinoy conference na ito na muling gaganapin sa Araneta Coliseum pagka-tapos ng sagupaan ng Sta. Lucia Realty at Purefoods Chunkee sa pambungad na laban sa alas-4:40 ng hapon.
Mabigat ang hamon para sa nagtatanggol ng koronang Gin Kings ni coach Siot Tanquingcen dahil hindi na maaasahan sa buong season ang back up center na si Andy Seigle dahil sa injury kayat malaking responsi-bilidad ang nakaatang kina Eric Menk, Mark Caguioa, Rommel Addu-cul, Rodney Santos, Jayjay Helterbrand kasa-ma si Mark Macapagal na malaki ang naging im-provement sa kanilang kampanya sa nakaraang kumperensiya.
Nagbago naman ng anyo ang Talk N Text sa pagkuha ng bagong coach na si Derrick Puma-ren kapalit ni Joel Banal at nakipag-trade para makuha sina Vergel Meneses na magbibigay ng karanasan sa kopo-nan, Poch Juinio na ma-kakaalalay kay Paul Asi Taulava at John Ferriols na magpapalakas naman ng kanilang front-line.
Kinuha rin ng Talk N Text si Chris Cantonjos mula sa free agent mar-ket.
Sa unang laro, sisi-mulan naman ng Pure-foods ang kanilang kam-panyang makabawi sa kanilang pagkaunsiyami sa nakaraang San Mig Coffee-PBA Fiesta Confe-rence laban sa nagkam-peong Red Bull.
Hangad din ng Sta. Lucia na makabawi sa kanilang maagang exit noong nakaraang kumpe-rensiya dahil sa injuries. (CVOchoa)