Ang tuneup match na ito ni Pacquiao ay paghahanda sa kanyang napipintong rematch uli kay Eric Morales o Marco Antonio Barrera.
Aprobado na rin daw ang Araneta Coliseum bilang venue, sa Team Pacquiao USA team management.
Ito ay suportado din at dadalhin ng ABS-CBN Channel 2 na siyang nanghingi ng global TV rights.
O di ba bongga.
Tiyak na dudumugin ito ng ating mga kababayan.
Kapag naayos na ang lahat, at naihanda na pati ang ticket sales, asahang maso-sold-out ito bago pa man ang laban. At isa pa tiyak na papasukin din ito ng maraming sponsors.
Endorser din si Pacman ng aming pahayagang Ang Pilipino Star Ngayon na magdiriwang ng ika-20th annibersaryo sa Marso 17.
Kabi-kabila din ang mga commercials na ginagawa ni Pacquiao.
Haaay grabe iba na ang sikat!
Talo sila agad sa Alaska. At ang pinaka-height nito, si Nic Belasco, na kanilang ipinamigay sa Aces kapalit ni Brandon Cablay, ang rumatsada sa panalo ng Alaska.
O well...
May 20 teams na kalahok mula sa television, radio at print media.
Masayang tournament ito at sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama-sama ang print, TV at broadcast media sa effort ng SMC.
Anim na Sabado lang ito pero for sure, tiyak na magkakaroon ng bonding ang mga mediamen dito na siyang layunin ng SMC.