^

PSN Palaro

Masyadong hectic ang schedule ni Pacman

SPORTS - Dina Marie Villena -
Matutuloy din pala ang planong tuneup match ni Manny Pacquiao laban kay Oscar Larios na pansamantalang nakatakda sa Araneta Coliseum sa July 2.

Ang tuneup match na ito ni Pacquiao ay paghahanda sa kanyang napipintong rematch uli kay Eric Morales o Marco Antonio Barrera.

Aprobado na rin daw ang Araneta Coliseum bilang venue, sa Team Pacquiao USA team management.

Ito ay suportado din at dadalhin ng ABS-CBN Channel 2 na siyang nanghingi ng global TV rights.

O di ba bongga.

Tiyak na dudumugin ito ng ating mga kababayan.

Kapag naayos na ang lahat, at naihanda na pati ang ticket sales, asahang maso-sold-out ito bago pa man ang laban. At isa pa tiyak na papasukin din ito ng maraming sponsors.
* * *
Abalang-abala si Manny Pacquiao. Very hectic ang schedule ng mama.

Endorser din si Pacman ng aming pahayagang Ang Pilipino Star Ngayon na magdiriwang ng ika-20th annibersaryo sa Marso 17.

Kabi-kabila din ang mga commercials na ginagawa ni Pacquiao.

Haaay grabe iba na ang sikat!
* * *
Hindi maganda ang panimula ng San Miguel Beer sa kabubukas na PBA Philippine Cup.

Talo sila agad sa Alaska. At ang pinaka-height nito, si Nic Belasco, na kanilang ipinamigay sa Aces kapalit ni Brandon Cablay, ang rumatsada sa panalo ng Alaska.

O well...
* * *
Nagsimula noong Sabado ang San Miguel Corporation Media Invitational tenpin bowling tournament sa SM North EDSA bowling lanes.

May 20 teams na kalahok mula sa television, radio at print media.

Masayang tournament ito at sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama-sama ang print, TV at broadcast media sa effort ng SMC.

Anim na Sabado lang ito pero for sure, tiyak na magkakaroon ng bonding ang mga mediamen dito na siyang layunin ng SMC.
* * *
Happy birthday kay basketball legend Robert Jaworski ngayon at kay Ms. Vero Samio, entertainment editor ng PSN. Belated din kay Hector Calma noong March 2 naman.

ANG PILIPINO STAR NGAYON

ARANETA COLISEUM

BRANDON CABLAY

CENTER

ERIC MORALES

HECTOR CALMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with