Inihayag ng hari ng Qatar sa pulong ng mga Chef de Mission para sa 2006 Doha Asiad na sasagutin niya ang gastusin sa akomodasyon ng mga delegado.
Nilinaw ni Team Philippines Secretariat chief Moying Martelino na sasagutin lamang ng Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC) ang limang araw na akomodasyon ng mga delegasyon.
"You are given free stay in the (Athletes) Village from three days before your competition until two days after your competition. So it is not the entire competition ng Asian Games," sabi kahapon ni Team Philippines Secretariat chief Moying Martelino.
Ayon kay Martelino, malaki ang matitipid ng Pilipinas sa pagpunta sa Qatar bunga na rin ng gagastusing $800 ng bawat delegado para sa airfare.
"May mga mayayaman kasing mga National Olympic Committees (NOCs) na nagpupunta doon ng maaga to acclimatized, to get themselves familiar with the area, with the venue but they have to pay," ani Martelino.
Samantala, nakatakda namang ilatag bukas ng Asian Games Task Force na binuo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kanilang kriterya para sa pagsasala ng mga atletang isasabak sa 2006 Doha Asiad.
Si athletics at chess president Go Teng Kok ang chairman ng naturang Task Force. (Russell Cadayona)