Tinapos ni Bolivar, criminology student sa La Salle-Dasmariñas sa Cavite, ang karera sa loob ng isang oras, 13-minuto at 42-segundo para makopo ang kanyang unang MILO Marathon leg title.
"Last year pa dapat ako tumakbo ng 21K pero naubusan ako ng slot," wika ng 20-gulang na si Bolivar, na nanguna sa 5K race sa Lipa City noong nakaraang taon. "Paghahandaan ko naman ngayon ang 42K."
Si Bolivar at iba pang top three finishers sa mens at womens races ay uusad sa 42K national finals sa Metro Manila sa December 10.
Sina Ben Alejandrino (1:15:54) at Ereneo Raquimpo (1:17:55) ang second at third placer ayon sa pagkakasunod.
Dinomina naman ni Yambao, ang distaff side sa oras na 1:34:10 para magsubi ng P10,000 tulad ni Bolivar.
Ang 42K elimination race sa Metro Manila ay sa July 16 na may P30,000 premyo sa champion at ang 42K national finals, ay may champion purse na P75,000.
Sumunod kay Yambao ay si Mila Paje at ang third placer ay ang 19-anyos na si Corazon Salcedo, education student sa La Salle-Dasma.