Si Petrova ang naging ikatlong Russian na nanalo ng Qatar title sa nakalipas na anim na taon, matapos nina Anastasia Myskina ng dalawang ulit at Maria Sharapova.
"I am absolutely delighted with my effort," wika ni Petrova matapos na manalo ng kanyang ikalawang career WTA Tour title."I played my best match here in Doha today against probably the best player of the tournament."
Nabigo ang top-seeded na si Mauresmo, nanalo ng Australian Open at dalawa pang korona ngayong taon na makuha ang top-ranked position bunga ng kanyang kabiguan.
Lumaro na karamihan ay mula sa baseline, binasag ni Petrova si Mauresmo ng tatlong ulit sa first set. Bago muling nanalasa ang Russian sa game 11 ng second set at tinapos ang laro sa pamamagitan ng ace sa loob ng 1-oras, 45 minuto.
Taglay na ngayon ng No. 8th-ranked na si Petrova ang 2-4 bentahe sa kanilang head-to-head duel ni Mauresmo.
Naibulsa ni Petrova ang US$95,500 at isang Harley Davidson na motorsiklo, habang nagsubi naman si Mauresmo ng konsolasyong US$51,000.