^

PSN Palaro

Rodriguez, top pick sa PBL, hinugot ng Montaña

-
Gaya ng inaasahan, hinugot ang star forward ng Philippine Maritime Institute na si Larry Rodriguez bilang top pick ng Montaña Pawnshop sa idinaos na Rookie Draft kahapon para sa 2006 PBL Unity Cup na magbubukas sa Marso 25.

Tanging 12 mula sa 56 aspirante ang nahugot at ang 6-foot-4 na si Rodriguez, mula sa Balut, Tondo ang mapapabilang sa listahan ng mga elite players na hinugot bilang No. 1 sa dalawang beses na drafting sa loob ng isang taon.

Ang Toyota Otis ang siyang may-ari ng first pick sa regular drafting matapos na pumuwesto ng seventh place sa Heroes Cup noong nakaraang Hunyo, ngunit sorpresang tumanggi itong pumili ng manlalaro para palakasin ang kanilang line-up.

Napili naman si Beljun Lapera, isang 5-foot-9 guard mula sa Polytechnic University of the Philippines bilang second overall ng Hapee-PCU na mahigpit ang pangangailangan sa pagkuha ng backup para kay Mark Moreno--ang top rookie noong nakaraang kumperensiya.

Sinungkit naman bilang No. 3 ng Granny Goose Tortillos si Eder Saldua, habang ang bagitong TeleTech na hahawakan ni Jerry Codiñera ay sinikwat si Eleonardo Labitag ng World Citi Colleges bilang No. 4 pick.

Nagpaubaya naman ang Rain or Shine at Heroes Cup champion Magnolia Dairy Ice Cream dahil sa pagkakaroon nila ng solidong line-up.

At sa ikalawang ikutan, hinugot ng Jewels si Jesse James Collado, isang 6-foot-3 forward mula sa University of Cincinnati.

Ang iba pang nakuha ay sina Raffy Fabie (Hapee-PCU), Ryan Espeño (Granny Goose), Felmer Jaboli (Rain or Shine) at Henzel Tabladillo (TeleTech).

Tatlong koponan lamang ang pumili sa third round kung saan kinuha ng Granny Goose si Josias Catacutan, inasinta ng Rain or Shine si Aries Sta. Maria at si Donny Yu ang sa TeleTech.

Bukod sa tatlong players, kanila ring kinuha sa regular draft, humugot pa rin ang TeleTech ng tatlong manlalaro mula sa dispersal draft matapos ang withdrawal ng Far Eastern Insurance--sina Don Villamin, Jay Sierra at Mel Latoreno.

Muling kinuha naman ng Toyota Otis ang beteranong guard na si Christian Coronel, habang napunta si Lawrence Bonus sa Montaña.

ANG TOYOTA OTIS

ARIES STA

BELJUN LAPERA

CHRISTIAN CORONEL

DON VILLAMIN

DONNY YU

EDER SALDUA

ELEONARDO LABITAG

GRANNY GOOSE

HEROES CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with