Isa sa dapat na maging dahilan ay ang hindi paglalaro ni NBA star Yao Ming na hindi kasama sa lineup ng China national team sa kanilang paglahok sa Qatar Asian Games sa Disyembre.
Malaki ang posibilidad ng Pinas na maangkin ang supremidad ng basketball sa Asya sa pagkawala na ito ni Yao Ming, ngunit hindi magkakaroon ng katuparan kung hindi pa matatanggal ang suspensiyon ng International Basketball Federation sa bansa.
Ang Pinas ay sinuspindi ng FIBA nang patalsikin ito ng Philippine Olympic Committee ang Basketball Association of the Philippines, ang association ng basketball sa bansa.
Naging sanhi din ito ng hindi nakasali ang basketball sa nakatapos na Southeast Asian Games na ginanap dito sa bansa.
"I read in the papers that Yao Ming is defenitely seeing action in this years world championship in Japan and if this is so, it is most-likely that he will not be allowed by the Houston Rockets (Yaos team in the NBA) to also play in the Asian Games," wika ni Chot Reyes ang napiling National coach ng Philippine Basketball Association para bumuo ng National training team na sasanayin para sa Asian Games.
Ayon kay Reyes, ang pagkawala ng higanteng Instik sa lineup ay nag-iwan sa Korea, Qatar at Libya bilang teams to beat sa Asian tournament.
"And we have, to a certain extent, beaten these teams before so there is the possibility that we can beat them again," ani Reyes, na pinakawalan ang lukratibong coaching career sa Coca-Cola nang tanggapin niya ang coaching job ng National team.
Ayon kay Reyes, inihahanda niya ang koponan para sa FIBA-Asia championship, ang qualifying tournament para sa 2008 Beijing Olympic Games, na nasa programa ng PBA-BAP program sa ilalim ng memorandum of agreement.