^

PSN Palaro

Gabi, di nababahala sa pangmamaliit ng kalaban

-
Hindi nababahala ang Filipino challenger na si Diosdado ‘The Prince’ Gabi sa pangmamaliit na ginawa sa kanyang kakayahan ni IBF/IBO flyweight champion Vic Darchinyan.

Sa pulong pambalitaan para sa magaganap na laban ng dalawang matitinding flyweight boxers sa Biyernes (Sabado sa bansa) sa Chumash Casino Resort sa Santa Ynez, California, buong giting na sinabi ni Gabi na hindi siya natatakot sa angking lakas ng nagdedepensang kampeon at handa niyang gawin ang lahat upang maagaw ang kampeonato.

"I’m ready to counter whatever it is that is going to happen there. I have never been scared of any fight that I have had or will have in the future. I’m ready," wika ni Gabi na mayroong walong sunod na panalo at kabuuang 26 panalo sa 29 laban na sinahugan din ng 19KOs. Ang isa pang katangian na dala ni Gabi ay ang katotohanang hindi pa siya humahalik sa lona.

Inihayag ito ni Gabi matapos ipagmalaki ni Darchinyan, na hindi pa natatalo sa 24 na laban kasama ang 19KO, na kaya niyang patulugin si Gabi lalo na kung aatakihin siya nito.

"Gabi is a good fighter, but I’m good and I want to tell Gabi to choose for me a round, any round, I will stop you in any round, any minute," tila pang-aasar na sinabi nito.

Hanap ni Darchinyan na manalo upang lalong bumango ang kanyang pangalan at makahakot ng mas malaking laban sa susunod na umakyat siya sa kuwadradong lona.

Sa kabilang banda, karangalang maihahatid sa Pilipinas maliban pa sa unang panalo sa unang sabak sa title fight ang nakataya naman para kay Gabi.

vuukle comment

BIYERNES

CHUMASH CASINO RESORT

DARCHINYAN

DIOSDADO

GABI

INIHAYAG

PILIPINAS

SABADO

SANTA YNEZ

VIC DARCHINYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with