^

PSN Palaro

Welcome to the PBA, Welcoat Family!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
This is one team that deserves to be in the PBA.

Ngayon nga, pormal na ang pagkakapasok ng Welcoat sa PBA dahil mismong si Com. Noli Eala na ang nagdeklara ng pinakabagong team sa PBA.

Matagal nang pangarap nina Raymond Yu, Terry Que at Mommy Margaret Yu na makarating sa PBA. Makailang beses na silang tinanggihan pero hindi pa rin sila sumuko.

Matagal na sila sa PBL and they have captured numerous titles at wala na silang papatunayan pa sa amateur leagues.

Long overdue na ang pagpasok nila sa PBA and now that they’re finally here.

We’re just too happy for them.

Marami silang magagandang plano para sa kanilang PBA team at naniniwala akong maganda ang hinaharap nila sa liga.

Ibang klaseng humawak ng team sina Terry Que at Raymond Yu dahil hands-on sila sa pamamalakad nila. In short, binibigyan nila ng oras ang paghawak nila sa team at dahil passion nila ang basketball, nakakabit ang puso nila sa kanilang basketball team.

Si Mommy Margaret Yu ay nagdadala pa ng mga candy at mga sandwich para sa mga avid Welcoat rooters tuwing may laro sila, habang bitbit ang kanyang  mga apo. Siya ang nagsisilbing "second mother" ng  mga player, at siya na lang laging taga-spoil sa mga ito.

Welcome to the PBA, the Welcoat family!
* * *
Nakakaloka ang rivalry ng Ateneo de Manila University at De La Salle.

Hindi lang sila sa basketball naging mahigpit na magkaribal sa UAAP, kundi sa football din.

Papunta na sana sa sweep ang Ateneo sa UAAP football eliminations pero nabulilyaso ito dahil tinalo sila ng La Salle.

Ang resulta– nagharap silang dalawa sa finals na ginanap sa ULTRA football gym.

Nanalo ang Ateneo, pero naging mahigpitan ang laban dahil 1-0 ang  final score.

At tulad din ng crowd nila sa basketball, napakarami ring tao na sumaksi sa laban nila.
* * *
At habang ang Pilipinas ay nagkakagulo noong Feb. 24 at 25, wala namang nakapigil sa libu-libong tao na dumagsa sa Araneta Coliseum para manood ng world wrestling.

May threat man ng coup o wala, tuloy ang show sa Big Dome at doon ay naging mas maingay pa sa mga rallies ang mga tao na enjoy na enjoy sa panonood ng mga world-famous wrestlers.

Sold out ang tickets at di mahulugang karayom ang Araneta Coliseum.

To think na sobrang mahal ng tickets eh hanggang bubong pa rin ang mga tao.

As early as one month before the actual event, sold out na ang tickets kaya di mo tuloy mapigil magtanong-- naghihirap nga ba ang mga Pinoy?
* * *
At may rookie camp ngayon sa PBL.

Dahil malapit na ring magbukas muli ang PBL, ang mga prospective rookies ay magpapakitang gilas ngayon sa Reyes Gym sa may Mandaluyong at tiyak na dudumugin na naman ito ng mga college players.

Naging matagumpay din ang PBL last conference, na lalong pinagtibay ng Welcoat-Magnolia finals na talagang blockbuster sa audience.

May madiskubre sanang mga rookies mamaya ang PBL.

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BIG DOME

DE LA SALLE

NILA

RAYMOND YU

TERRY QUE

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with