Tenorio, makakasama ng mga Green Archers

Makakasama na rin ni LA Tenorio, na isang tunay na Ateneo star, ang mga La Salle stalwarts sa pagbubu-kas ng 2006 PBL Unity Cup sa susunod na buwan.

Ito ay naganap matapos na hugutin ng Harbour Cen-tre, isa sa glamorosong koponan sa premier amateur basketball league sa bansa ang dalawa pang La Salle players sa kanilang kam-panya na lalong palakasin ang koponan at mapaganda ang kanilang fourth place finish sa Heroes Cup, may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Makakasama na nina Ryan Araña, isa sa best finishers at defensive-mind-ed na manlalaro at Rico Maierhofer, isang 6’4 forward ang dati niyang teammates na sina Joseph Yeo at Jerwin Gaco.

At sa kanilang debut noong nakaraang taon, mayroon ang Harbour Centre ng apat na manlalaro mula sa Ataneo--sina Teno-rio, Paolo Bugia, Magnum Membrere at Larry Fonacier at dalawang La Salle Archers--sina Marc Cardona at Gaco. At ngayon mas lalong tumibay ang pundas-yon ng koponan dahil sa pagkakasama nina Araña at Maierhofer sa rosters.

Gayunman, walang problema kay Tenorio sa ad-justment bunga ng bagong set-up at umaasa siya na mabibigyan na nila ang Mikee Romero-owned team ng titulo bago siya umakyat sa pro ngayong Agosto.

Maging sina Romero at team manager Erick Arejola, ay naniniwala kay Tenorio na madali itong makakaagapay sa kanyang mga dating UAAP rivals, dahil kilala ang dating Blue Eagles na isang mahusay na manlalaro.

At ang pagkakadagdag naman ni Araña ang magbi-bigay sa Harbour Centre ng malalim na bench at maaari rin itong makabuo ng back-court combo kasama sina Tenorio at Yeo.

Tangka rin ng Port Masters na makasungkit ng malaking manlalaro upang makatulong ng prolific rookie na si Robb Reyes at Gaco sa shaded lane.
Rookie Camp
Samantala, ilan sa ma-huhusay na collegiate cagers sa bansa at iba pang aspiring players ang magpapakita ng kani-kanilang tikas bukas sa pagdaraos ng PBL ng Rookie Camp sa San Andres Gym sa Malate.

Itinakda ang deadline ng pagsusumite ng application form sa alas-12 ng tanghali bukas rin. Magsisimula na-man ang camp sa ala-1 ng hapon.

Ang mga aspiring players ay maaaring makakuha at magsumite ng kani-kanilang application forms sa San Andres Gym.

Itinalaga si Joey Guanio, veteran PBA player ni Com-missioner Chino Trinidad na siyang mangasiwa ng Rookie Camp kung saan ang mga coaches, scouts at fans ay mabibigyan ng pagkaka-taon na makita ang kakaka-yahan ng kanilang mapipisil.

Show comments