Compton, matuloy na kaya sa PBA?
February 28, 2006 | 12:00am
Ilang beses nang kumakatok sa pintuan ng PBA si Alex Compton, isa sa pinakapopular at magaling na guard sa PBL. Ngunit dalawang beses na rin itong nabi-bigo.
Sa pagpasok ng Wel-coat sa pro league, muling nabuksan ang interes na ito na kasama sa pinag-uusapan ng PBA Board of Governors sa kanilang meeting kahapon sa Red Table restaurant sa Pasig City."
"It is one of the conces-sions being asked by Welcoat. The discussion (on the issue) was de-ferred but it is now being given serious considera-tion," ani PBA commis-sioner Noli Eala.
Pormal na tinanggap ang Welcoat bilang pina-kabagong miyembro ng PBA matapos na bilhin nito ang prangkisa ng Shell para sa 2006-2007 PBA season.
Sa mga nagdaang pagpupulong, pinayagan ang Welcoat na bitbitin ang tatlong amateur players nila.
"Comptons case will be further discussed. Conditions must first be set for his entry if it will be allowed by the board," dagdag ni Eala, na sinu-suportahan ang kahili-ngan ni Compton na ma-kapasok sa PBA.
"He will definitely be an asset. For me, he may be given two or three years and that I think is fair enough. It is for the best interest of the league."
Ngunit kailangang malaman kung papaya-gan si Compton na umak-yat sa PBA bilang direct hire o isa sa tatlong ama-teur na dadalhin ng Welcoat at magbibigay din ng guidelines ang PBA para dito.
Si Compton ay ipina-nganak dito sa Pilipinas pero walang dugong Pinoy dahil kapwa Ameri-cans ang kanyang mga magulang.
Sinabi ni team con-sultant Leo Austria, na siyang magiging coach pag-akyat ng Paint-masters sa PBA, na ang mga kandidato nila para bitbitin sa PBA ay sina Jun Jun Cabatu, Ronjay Enrile, Ernie Sagad at Jay R Reyes. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended