UST hari ng womens judo at mens badminton
February 27, 2006 | 12:00am
Tila palapit na ang University of Santo Tomas (UST) para maging general champion ng UAAP Season 68 matapos ang kanilang tagumpay sa womens judo at mens badminton kamakailan lamang.
Gayunpaman, may laban pa rin ang De La Salle University matapos makopo ang titulo sa womens badminton at womens tennis habang naghari naman ang University of the Philippines sa mens judo upang manatili sa kontensiyon para sa overall title nang papatapos nang season.
Pinangunahan ni Mary Jean Capawa ang matagumpay na pagdedepensa ng titulo ng UST sa womens judo sa kanyang pagkopo ng gold sa -48 kgs class habang nanalo rin ng ginto si Michelle de Vera (-78 kgs), Jennifer Ong (-63 kgs) at Camille Hipolito (+78 kgs).
Nagsubi ang UP ng dalawang gold at isang silver medal para sa second, habang ang De La Salle ay bumagsak sa third na may one gold at three silver medals.
Ang UP na host ng judo sa Human Kinetics gym sa Diliman, ay komopo ng tatlong gold medals sa pagdomina ng mens competition mula sa panalo nina Duke Villanueva (-66 kgs), Alejandro Solis (-81 kgs) at Ryan Paglinawan (-63 kgs) para pabagsakin ang UST Tigers sa second place na may gold, isang silver at dalawang bronze medals.
Naungusan naman ng De La Salle sa womens tennis ang UST, 3-2 sa Rizal Racket Club sa Pasig City upang palakasin ang tsansa sa overall championship.
Sa mens badminton, ang UST na walang talo sa anim na laro sa preliminaries ay nakapaglista ng 3-2 panalo laban sa Far Eastern U, 3-2, sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Hindi naman naging matagumpay ang UST, sa womens badminton matapos yumukod ang Tigresses sa De La Salle Lady Archers sa finals, 4-1.
Naipanalo ng magaan ni two-time MVP Paula Obanana ang singles match at nakipagtambalan kay Raquel Guererro sa first doubles at Therine Chan sa second doubles upang pamunuan ang Lady Archers

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended