^

PSN Palaro

FEU hari sa National Students

-
Ibinuhos lahat ng UAAP king pin Far Eastern University ang kanilang lakas upang payukurin ang NCAA counterpart na Colegio de San Juan de Letran, 83-75 upang sikwatin ang National Students Basketball Championships collegiate crown kahapon sa Rizal Coliseum.

Sa larong tinampukan ng mahigpit na depensa kung saan walang umabante sa dalawang koponan ng higit sa apat na puntos, isinet-up ni Jonas Villanueva ang sarili mula sa foul ni Boyet Bautista para sa pagpukol ng three-point play bago ninakaw ang bola para ihatid ang Tamaraws sa 75-70-pangunguna may 28 segundo na lamang ang nalalabi.

Nakalubog sa tatlong puntos, papasok ng huling 2:47 segundo ng final canto, trinangkuhan ni Arwind Santos ang Tamaraws ng kanyang itabla ang iskor sa 70-all matapos na gumawa ang Knights ng dalawang krusiyal na errors.

Tumapos si Villanueva na siyang kasama rin sa Mythical Five ng 16 puntos, habang iniuwi naman ni Jeffrei Chan ang MVP trophy matapos na magposte ng 15 puntos.

Samantala, kinailangan ng underdog na San Beda College ng milagro sa regulation bago nila napasuko ang San Sebastian Recoletos of Manila, 91-83 sa mahigpitang labanan para sa titulo ng high school division.

Sa women’s division ng tournament na ito na inorganisa ng Philippine Basketball Federation at suportado ng San Miguel, Petron, Aktivade at Molten basketball, nagwagi naman ang Adamson University sa Ateneo de Manila University noong nakaraang linggo kung saan ang Lady Falcons na si Ewon Ayari ang tumungkab ng MVP trophy.

ADAMSON UNIVERSITY

ARWIND SANTOS

BOYET BAUTISTA

EWON AYARI

FAR EASTERN UNIVERSITY

JEFFREI CHAN

JONAS VILLANUEVA

LADY FALCONS

MANILA UNIVERSITY

MYTHICAL FIVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with