Ang dami na raw kasi niyang naririnig na ipinagkakalat raw ng bading na ito na mag-on sila ni college player.
Kung kani-kanino raw niya ito ipinagsasabi kaya naman nakarating na sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang pera niya, at di ko kayang pumatol sa kanya. May pera rin ako, at may prinsipyo ako. May mga magulang akong kaya akong suportahan," sabi ng college player, isa sa pinakamagaling ngayon sa NCAA at isa rin sa mga college player na hinahabol ng mga chicks at bading dahil sa guwapo nga at maganda ang katawan.
"Pag di pa tumigil ang bading na yan, isang araw, sasapakin ko na lang siya," sabi ni college player.
Magaling naman itong si Alvarez, pero ewan kung bakit itinatapon ng Alaska.
Ang ganda sana kung sa Red Bull siya mapupunta para makasama niya yung mga kapwa niya Atenista.
Ang problema naman, ang hinihingi ng Alaska ay si Lordy Tugade, na natural ay hinding-hindi papakawalan ng Red Bull.
Nakakailang laro na ang mga kasaling colleges at universities sa ligang ito at nakakatuwa dahil kahit saan sila maglaro, laging puno ang venue.
Ginagawa nila ito sa mga gyms sa mga schools at siyempre, laging lamang na lamang sa crowd ang mga host schools.
Kamakailan ay naglaro ang UST at Lyceum sa Lyceum gym.
0-4 ang record ng Lyceum before that game, pero dahil na rin sa grabeng support ng mga estudiyante ng Lyceum, nanalo sila laban sa Tigers.
Opening ceremonies pa lang kung saan ipinakilala yung mga players, show in itself na.
At ang kagandahan sa NBA All-star games, walang produktong ini-endorse, walang mga pakulong gawa ng sponsors, walang kahit ano.
Pure fun, pure game, at hindi commercialized.