^

PSN Palaro

Richie Alvarez walang taker, bakit?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Buwisit na buwisit ang isang magandang lalake at magaling na NCAA player sa isang mayamang bading na baliw na baliw sa mga basketball players.

Ang dami na raw kasi niyang naririnig na ipinagkakalat raw ng bading na ito na mag-on sila ni college player.

Kung kani-kanino raw niya ito ipinagsasabi kaya naman nakarating na sa kanya.

"Hindi ko kailangan ang pera niya, at di ko kayang pumatol sa kanya. May pera rin ako, at may prinsipyo ako. May mga magulang akong kaya akong suportahan," sabi ng college player, isa sa pinakamagaling ngayon sa NCAA at isa rin sa mga college player na hinahabol ng mga chicks at bading dahil sa guwapo nga at maganda ang katawan.

"Pag di pa tumigil ang bading na yan, isang araw, sasapakin ko na lang siya," sabi ni college player.
* * *
Nasa trading block si Richie Alvarez pero hanggang ngayon, wala pa ring takers.

Magaling naman itong si Alvarez, pero ewan kung bakit itinatapon ng Alaska.

Ang ganda sana kung sa Red Bull siya mapupunta para makasama niya yung mga kapwa niya Atenista.

Ang problema naman, ang hinihingi ng Alaska ay si Lordy Tugade, na natural ay hinding-hindi papakawalan ng Red Bull.
* * *
Isa sa magandang bas-ketball competition na naga-ganap sa ngayon ay ang Home and Away Invitational League.

Nakakailang laro na ang mga kasaling colleges at universities sa ligang ito at nakakatuwa dahil kahit saan sila maglaro, laging puno ang venue.

Ginagawa nila ito sa mga gyms sa mga schools at siyempre, laging lamang na lamang sa crowd ang mga host schools.

Kamakailan ay naglaro ang UST at Lyceum sa Lyceum gym.

0-4 ang record ng Lyceum before that game, pero dahil na rin sa grabeng  support ng mga estudiyante ng Lyceum, nanalo sila laban sa Tigers.
* * *
Napanood nyo yung all-star games ng NBA?

Opening ceremonies pa lang kung saan ipinakilala yung mga players, show in itself na.

At ang kagandahan sa NBA All-star games, walang produktong ini-endorse, walang mga pakulong gawa ng sponsors, walang kahit ano.

Pure fun, pure game, at hindi commercialized.

vuukle comment

ALVAREZ

ATENISTA

BUWISIT

CENTER

HOME AND AWAY INVITATIONAL LEAGUE

LORDY TUGADE

RED BULL

RICHIE ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with