Sinabi ng manager ni Villoria na si Gary Gittelsohn na niluluto nila si Viloria at ang World Boxing Organization (WBO) minimum-weight champion na si Ivan Calderon ng Puerto Rico bilang mga future rivals.
Tinalo ni Calderon si Isaac Bustos ng Mexico bago ang unanimous decision triumph ni Viloria sa isa pang Mexican na si Jose Antonio Aguirre.
Ang isa sa mga options ay ang idepensa ni Viloria ang kanyang World Boxing Council (WBC) light flyweight title sa bayan ni Calderon.
"Theres a lot of interest in Viloria-Calderon fight," ani Gittelsohn. "Calderon is planning to move up in the light flyweight division. Theyre both Olympians and undefeated."
Hawak ni Calderon ang 25-0 record. Kilala ito bilang "Iron Boy" dahil sa kanyang endurance. Nanalo ang 31-gulang na boxer ng 20 laban sa pamamagitan ng unanimous decision.
Apat na beses nang nagharap sina Viloria at Calderon noong sila ay mga amateur boxers pa lamang kung saan ang "Hawaiian Punch" ay nanalo ng tatlong beses.
"They know each other well enough to start a rivalry," ani Gittelsohn.
Kung walang magiging aberya, mapapaaga ang laban ng anak ng Ilocano couple mula sa Narvacan, Ilocos Sur, kay interim WBC flyweight champion Jorge Arce ng Mexico.
Pinanood ni Arce ang unang title-defense ni Viloria at sinabi nitong handang siyang harapin ang Pinoy boxer sa anumang oras.
"Ill fight Viloria even on his backyard," ani Arce, na tumalo sa mga Filipino pugs na sina Juanito Rubillar (dalawang beses) at Jovan Presbitero.
"He (Arce) is a great fighter and a respected champion," sabi ni Viloria. "Anyone who knows boxing knows that it would be an unbelievable fight. Thats the kind of fight I want to be in. Its the kind of fight I have to be in." (CVOchoa)