^

PSN Palaro

RP Open sa PhilSports pa rin

-
Sa kabila ng trahedyang naganap sa PhilSports kamakailan, mananatili pa ring itong venue ng first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na presinta ng PLDT Business Solutions, ayon sa organizing IMG.

Ito ang kanilang tugon sa maraming nagtatanong kung ang blue-ribbon event, na nakatakda sa Marso 1-5, ay lalaruin pa rin sa dating Ultra Arena matapos ang pagkamatay ng mahigit sa 70 katao sa naganap na stampede kamakailan.

Kasalukuyan ng mabibili ang mga tickets na ibinaba ang presyo sa lahat ng Ticketworld outlets at naka-package sa mga sumusunod na kategorya: March 1-3 Category 1 (P200); Category 2 (P150); Category 3 (P100); Category 4 (P50); Gallery (P10); March 4-5 Category 1 (P500); Category 2 (P350); Category 3 (P250); Category 4 (P150); Gallery (P20). Para sa detalye tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o kaya ay tumingin sa online sa: www.ticketworld.com.ph.

Pangungunahan ng reigning world at Olympic singles champion na si Taufik Hidayat ng Indonesia ang star-studded cast sa $120,000 event, isang four-star tournament na sanctioned ng (International Badminton Federation) at hatid ng Bingo Bonanza, JVC, PLDT at Smart.

Ang iba pang bansang nagkumpirma ng kanilang paglahok ay ang Netherlands, Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Macau, Pakistan, Sri Lanka, Vietnam, Chinese-Taipei, Iran, Indonesia, Denmark, England, China, Korea, Thailand, at India.

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

BUSINESS SOLUTIONS

CATEGORY

HONG KONG

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

SRI LANKA

TAUFIK HIDAYAT

TICKETWORLD

ULTRA ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with