^

PSN Palaro

Handang-handa na si Viloria

-
LAS VEGAS – Sinabi kahapon ni American trainer Freddie Roach na dapat bigyan ang Mexican challenger na si Jose Antonio Aguirre ng nararapat na respeto at hindi magiging madali na kalaban ito ni World Boxing Council (WBC) lightflyweight title holder Brian Viloria sa kanilang nakatakdang laban sa 12-round bout sa Aladdin Hotel and Casino mamayang gabi (Umaga ng Linggo sa Maynila).

Lumipad patungong Las Vegas si Roach para makasama si Viloria at ang cutman na si Ruben Gomez.

Pinamahalaan nito ang dalawang buwan na pagsasanay ni Viloria sa Wild Card Gym sa Hollywood at sinabing handang-handa na ang tinaguriang "Hawaiian Punch" na idepensa ang kanyang korona.

Samantala, ang beteranong si Tony Weeks ang siyang tatayong referee sa gagawing unang pagdepensa sa WBC light flyweight title ni Fil-Am Brian Viloria laban kay Mexican challenger Jose Antonio Aguirre na gagawin bukas sa Aladdin Casino and Resort sa Las Vegas, Nevada.

Ninombrahan naman ng Nevada State Athletic Commission sina Ray Hawkins, CJ Ross at Gleen Trowbridge na gaya ni Weeks ay pawang tubong Nevada, para maging hurado ng 12 round title fight.

Hindi naman tiyak kung matatapos sa takdang laban ang nasabing sagupaan lalo pa’t si Viloria ay kilala sa pagiging isang knockout artist.

Kung mayroon man isang tiyak na magaganap sa laban, ito’y ang inaasahang pagiging patas ni Weeks sa kanyang magiging desisyon.

Makailang ulit nang tumayo si Weeks bilang ‘third man on the ring’ sa malalaking title fight, ang huli nga ay nang maglaban sina Oscar Larios at Israel Vazquez nitong Disyembre 3, 2005 sa Mandalay Bay, Las Vegas.

Si Larios ay isa sa mga sinasabing posible namang makalaban ni Manny Pacquiao sa gagawing tune-up fight sa Abril o Mayo sa bansa.

ALADDIN CASINO AND RESORT

ALADDIN HOTEL AND CASINO

BRIAN VILORIA

FIL-AM BRIAN VILORIA

FREDDIE ROACH

GLEEN TROWBRIDGE

HAWAIIAN PUNCH

JOSE ANTONIO AGUIRRE

LAS VEGAS

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with