"Im always proud of my kin. Im proud to be Pinoy," ani Viloria.
Unang nakopo ng anak ng mag-asawang tubong Narvacan Ilocos Sur ang puso ng mga local boxing fans nang kanyang iwagayway ang bandila ng bansa sa kanyang panalo matapos na patigilin ang Mexican na si Eric Ortiz sa loob lamang ng first round upang manalo sa 108-lb title.
Ito ang gabi ng umiskor ang Filipinos ng triple kill sa Staples Center kasama ang local hero na si Manny Pacquiao na humiya naman kay Hector Velasquez sa six rounds at Rey Boom Boom Bautista na tinalo naman si Felix Flores.
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga Filipino fans na masilayan ang matikas na boxer sa kanyang laban sa big screen sa pamamagitan ng live na panonood sa ilang piling SM cinemas.
Ang naturang laban ay ipalalabas ng Solar Sports at RPN-9 ng sabay-sabay sa bisa ng slightly delayed basis simula sa alas-10 ng umaga.
Gaya ni Pacquiao, plano rin ni Viloria na lumaban sa harapan ng mga Filipino boxing fans sa bansa."It would be my way of giving back to the tremendous support given me by the Filipino people," ani Viloria, na binigyan ng heros welcome sa bansa matapos na manalo ng light flyweight title.